Ang Biyahe ng Ating Buhay.

 

images (3)

Ang ating buhay ay parang isang biyahe na kung saan marami tayong makakasabay na ibat-ibang klase ng tao. Maraming daan na pwede nating tahakin ngunit may mga panahong minsan nalilito tayo kung saan ba talaga patutungo itong biyahe natin, nalilito kung anung daan ang dapat piliin, at minsan naiisip din natin na huminto nalang sa biyahe para di na tao mahirapan pa. Maraming tayo mga sitwasyon na makakasalubong sa daan na kung saan susubokin ang katatagan ng ating loob, minsan ang mga sitwasyong ito ang nagpapabagal sa ating biyahe, at nagpapahinto rin satin. Sa mga panahong nahihirapan tayo magmaniho pwede namang magpahinga pero bukas o makalawa tuloy nanaman ang biyahe para sa pangarap natin. Hindi natin kayang magbiyahe na tayong lang mag isa, di rin natin kayang abutin ang ating mga pangarap na walang kasama. Kaya nga may upuan sa loob ng ating sasakyan para sa mga taong sasabay sa biyahe natin. Ang mga taong ito ang magpapasaya sa bawat oras ng ating paglalakbay para hindi tayo mabagot sa daan, nandiyan rin sila sa mga oras na tayo ay nahirarapan, sila rin ang magbibigay ng lakas ng loob para tayo ay magpatuloy sa biyahe ng buhay, nagbibigay ng kulay sa ating paglalakbay, nagpapaalala sa atin kung bakit tayo naglalakbay. Ang mga taong tinutukoy ko ay ang ating mga magulang, kaibigan, kaaway, guro, at pati narin ang nag iisang tao na gusto nating makasama hanggang sa katapusan ng ating biyahe.

 

Pamilya

                                             images

Sila ang una nating nakasama sa ating paglalakbay malaki ang papel ng pamilya sa ating biyahe dahil sila ang humubog sa atin para ma maniho natin ng maayos ang ating sariling sasakyan. Sila ang nagtatanggol sa atin, unang kakampi sa buhay, nagbigay ng mga pangangailangan natin para mapadali ang ating paglalakbay kahit na nahihirapan na sila basta’t para sa ikasasaya natin ay gagawin parin nila. Ikaw ay susupportahan ng pamilya mo sa mga gusto mo pero hindi lahat, sana maintindihan natin kung hindi nila tayo masupportahan sa mga bagay dahil iniisip lang nila ang kapakanan natin. Ang pamilya para sa akin ay binubuo ng Ama, Ina, Anak, Apo, Apo sa tuhod at sa mga susunod pa na merong pagmamahalan, respeto, pagpapahalaga, pagbibigayan sa isa’t isa. Pahalagahan natin ang ating mga pamilya katulad ng pagpapahalaga natin sa ibang tao dahil kahit kailan pwede nila tayong iwan, pwede rin natin silang talikuran pero ito ang pakakatandaan kahit kailan ang pamilya ay hinding hindi natin mapapalitan.

 

Kaibigan

                                  images (1)

Kaibigan, sila ang pangalawang sasabay sa ating biyahe. Sila ang mag e impluwensiya sa atin ng mabuti at masama. Sila ang napapasaya satin kapag nalulungkot tayo sa daan, sa kanila natin sinasabi mga problema, hinanakit sa buhay, pati na yung mga crush natin. Ang kaibigan ay laging nandiyan pag kailangan mo ng kausap, dadamayan ka sa tuwing ikaw ay may problema. Sila ang kasama mo sa lahat ng kalokohan, kasiyahan, pati narin sa mga oras ng kalungkutan sa daan, ipagtatangol ka rin ng kaibigan mo kapag ikaw ay inaapi. Ang mga kaibigan ay malaki rin ang naging papel sa ating paglalakbay. Pero ang malungkot lang dito ay hindi lahat ng kaibigan mo ay makakasama mo parin sa biyahe, dahil ang ilan sa kanila o maging ikaw ay kailangan umalis at pumunta sa iba’t-ibang lugar para abutin ang kanya kanya nating pangarap at ibang pang pansariling dahilan, minsan kailangan nalang nating intindihin sila dahil pagkatapos silang bumababa sa ating sasakyan ay may mga bagong kaibigan ka na nasasakay at makakasabay mo sa iyong paglalakbay para tulungan ka sa lahat ng iyong problema. Ang kaibigan ay pwede nating mapalitan pero ang mga alala at saya natin noong mga panahong kasama pa natin sila ay hinding-hindi natin makakalimutan.

 

Kaaway

                      enemy-couple-unfaithful-lover-affair-260nw-1155751837

Kahit ang mga kaaway natin ay may papel sa ating paglalakbay, dahil sa kanila mas tumitibay ang loob natin, nagkakaroon tayo ng courage na magpatuloy sa biyahe dahil ang pinakamagandang paghihiganti ay ang ipakita sa kanila ang narating natin sa buhay dahil sa kanila. Minsan sila ang nagdodown sa atin, sila ang dahilan kung bakit humihinto tayo sa biyahe, sila ang dahilan ng ating pagluha. Isipin nalang natin nasila ay nandiyan para magkaroon ng thrill ang ating biyahe dahil pag puro kasiyahan ang ating nararanasan hindi titibay ang loob natin at madali lang tayong masasaktan sa daan. Mas mabuti ng mahirapan tayo para matoto tayong padaliin ang ating biyahe. Dahil sa buhay ng tao bagong naging madali ang isang bagay ay naging mahirap muna ito para sa atin. Kung may kaaway kaman at feeling mo na dodown dahil sa mga sinasabi nilang masama sayo wag kang malungkot dahil kahit ang mga taong malapit sayo ay ginagawa ito. Minsan nga sinasaktan kapa nila ng pisikal sa mga biro biro niyo. Bagkus matuwa kapa sa mga kaaway mo dahil importante ka sakanila akalain mo yun wala silang oras gawin ang bagay na kailangan nilang gawin pero pagdating sau madami silang oras para pag usapan ka, sa huli sila rin ang mawawalan dahil sa ginagawa nila.

 

Mga Guro

                           download (1)

download

Malaki ang papel ng mga guro sa ating biyahe dahil ang pagiging isang guro ay hindi ganoon kadali gaya ng iniisip ng karamihan. Sa likod ng bawat pisara ay mga patak ng pawis at luha ang makikita. Sa bawat aklat na binubuklat ay may nakatagong pait at saya na pinagdadaanan. Sa bawat leksyon na itinuturo nakatago ang isang malaking butil ng karunungan. Sila ang humuhulma sa atin para matuto tayong tahakin ang tama at tuwid na daan. Sila ang nagbibigay ng inspirasyon sa atin upang magpatuloy sa pag-aaral at upang mapuntahan ang minimithi nating tagumpay. Ganundin, sila ang maituturing nating kaibigan, kabarkada at kapamilya sa eskwela. Sa mga panahong tayo ay nangangailangan ng kalinga, nariyan sila handang makinig sa ating mga problema. Sa mga panahong ikaw ay gulong-gulo, sila ay nariyan at handa tayong samahan sa tamang landas. Kahit kailan ay hindi matatawaran ang sakripisyo ng ating mga guro para lang tayo ay matuto. Kaya’t sa ating mga minamahal na guro maraming sa salamat po sa lahat.